another tagalog post
Posted by janelle - 28/06/09 at 06:06:36 pmTagalog ulit ako. Sobrang tinatamad ako mag-English ngayon eh.
Medyo sanay na ko sa pabago-bago kong schedule. At sure akong mas magiging magulo pa sched ko sa mga susunod na araw. Malapit na kasi CLC namin, excited na ko!
Malapit na din kami mag-duty. Hindi ako excited dun. Kasi alam ko na yung schedule ko ng duty, 6 AM ang start, kamusta naman di ba? At expected daw na nandun na kami 15 minutes before the time, o di ba bongga? Pero siguro pag na-expose na kami dun sa area magiging ok na din ako. Ganyan din feeling ko dati nung bago kami magcommunity eh. Naging ok din naman ako.
Mareklamo lang talaga ako.
Plug ko lang pala yung ginawa kong DIY Hot Oil Treatment click this.
manila day
Posted by janelle - 24/06/09 at 03:06:27 pmTagalog muna ulit ako.
Tinatamad kasi ako mag-isip ng English words sa nonsense kong post na to
Ang gulo pa din ng schedule ko
Nasa 2nd week na kami pero hanggang ngayon hindi pa din sya fixed. Ngayon, wala akong pasok kasi Manila Day, tapos bukas dapat wala akong pasok kaso may schedule kami kaya may pasok ako bukas.
Ang gulo noh
Tapos ito pa, dapat morning yung skills lab namin pero namove ng hapon. 2 days yung schedule namin na move. Ok naman kasi hindi ko kailangang gumising ng maaga pero nakakalito kasi paiba-iba schedule namin. Tapos madalas pa nalalaman na lang namin yung schedule namin sa next day after ng class.
Ang pangit promise! Kasi hindi ka makapag-plan ng kung ano dahil hindi mo alam kung free ka next day or not
Hopefully, maging ok na yung schedule namin. Ang sure lang kasi sa sched namin eh yung 2 days na lecture
pero yung 3 days for skills SOBRANG HINDI!
Sa July 4 mag-CLC na kami so siguro mas maging ok na yung schedule
Hindi ko talaga alam! Mukhang mas mawiwindang pa ata ako after ng CLC namin.
PS: Salamat Ate Jays sa smilies
Ang cute-cute nila grabe!
Powered by WordPress with GimpStyle Theme design by Horacio Bella.
Entries and comments feeds.
Valid XHTML and CSS.
... is