so busy busy!

WARNING!
TAGALOG POST AHEAD!
read at your own risk! you have been warned!

Hay nga naman. Nakakapagod talagang mag-aral. Busy kasi ako ngayon eh. Pero kahit na sobrang busy ako, parang ok lang sakin. Hindi ko nga alam kung bakit. Dahil ako yung tao na sobrang tamad. At ngayon, nagtataka ako dahil kumikilos ako at kahit na nahihirapan na ko, sige pa rin ako.

Andaming task ang na-assigned sakin ngayon. Hindi ko alam kung matutuwa ako, o maiinis. Hindi kasi ako sociable pag sa gawaan ng mga ganitong bagay eh. Mas gusto ko ang gumagawa sa sarili ko kesa group project. Baka dahil dun isipin nyo na hindi ako sociable na tao at walang social life ha!:P Hindi naman sa ganon! Mas nakakagawa kasi ako pag para sakin lang. Para kung mali yung ginawa ko, ako lang apektado. Walang madadamay na iba - ako lang :) Martir bang pakinggan? :stressed:

Sa totoo lang, andami kong gustong gawin sa blog ko. Gusto ko magpalit ng layout, gusto ko magdagdag ng features at kung anu-ano pa! Kaso wala na siguro akong time. Medyo napapabayaan ko na nga rin itong blog ko. Dati kasi masyado akong nakatutok sa blog ko eh :cheer: Ngayon, hindi na. Alam ko kasi na may mga priorities ako eh. At grabe ang pressure!

Sa mga nagtatanong sakin kung papaano mag-upgrade ng wordpress, dito ko na lang po kayo sasagutin.

Pwede pongi-upgrade ang wordpress kahit hindi natin sabihin sa mga hosts natin. Kailangan lang nating i-download ang latest version. Tapos i-back up muna ang mga files na sa tingin natin na kailangan nating i-back up :lol: Gaya ng vars.php, edit-form-comment.php, edit-form at edit-form-advance.php.  At ang iba pang files na sa tingin natin na kailangan natin. Pagkatapos, sa pamamagitan ng FTP, i-over write lang po natin yung files ng wordpress natin. Yun po. Tapos na :updown:

PARA SA MGA COMMENTATERS KO:

Pasensya na po kung hindi ako kaagad nakaka-comment sa mga posts nyo. Medyo busy po kasi ako ngayon. Kaya medyo mahuhuli ang pagcomment ko sa inyo. Pasensya na po ulit at maraming salamat sa pagbisita sa aking blog, pagbasa at pagcomment sa aking post/s.

 Maraming salamat po! :heart:

Tags:
      Ezzy, irish, tin, Miara, Sherica, Yanella, Shai, irish, raica, melle, EJAY, timmie, Gia, eka, nika, anne, Michelle, Ayeth, ivy, memesh*, nicole, ems, Carla, Aea, rocyl,

25 Responses to “so busy busy!”

Pages: [13] 12 11 10 9 8 7 6 5 4 31 » Show All

    rocyl

    wow, tagalog na tagalog talaga ah! :) pareho tayo, busy. :( ang cute naman ng smilies mo! :D

Pages: [13] 12 11 10 9 8 7 6 5 4 31 » Show All

Leave a Comment