so busy busy!
Filed under
school-related,
shit happens on
November 15, 2006 with
512 words
WARNING!
TAGALOG POST AHEAD!
read at your own risk! you have been warned!
Hay nga naman. Nakakapagod talagang mag-aral. Busy kasi ako ngayon eh. Pero kahit na sobrang busy ako, parang ok lang sakin. Hindi ko nga alam kung bakit. Dahil ako yung tao na sobrang tamad. At ngayon, nagtataka ako dahil kumikilos ako at kahit na nahihirapan na ko, sige pa rin ako.
Andaming task ang na-assigned sakin ngayon. Hindi ko alam kung matutuwa ako, o maiinis. Hindi kasi ako sociable pag sa gawaan ng mga ganitong bagay eh. Mas gusto ko ang gumagawa sa sarili ko kesa group project. Baka dahil dun isipin nyo na hindi ako sociable na tao at walang social life ha!
 Hindi naman sa ganon! Mas nakakagawa kasi ako pag para sakin lang. Para kung mali yung ginawa ko, ako lang apektado. Walang madadamay na iba - ako lang
 Martir bang pakinggan? 
Sa totoo lang, andami kong gustong gawin sa blog ko. Gusto ko magpalit ng layout, gusto ko magdagdag ng features at kung anu-ano pa! Kaso wala na siguro akong time. Medyo napapabayaan ko na nga rin itong blog ko. Dati kasi masyado akong nakatutok sa blog ko eh
 Ngayon, hindi na. Alam ko kasi na may mga priorities ako eh. At grabe ang pressure!
Sa mga nagtatanong sakin kung papaano mag-upgrade ng wordpress, dito ko na lang po kayo sasagutin.
Pwede pongi-upgrade ang wordpress kahit hindi natin sabihin sa mga hosts natin. Kailangan lang nating i-download ang latest version. Tapos i-back up muna ang mga files na sa tingin natin na kailangan nating i-back up
 Gaya ng vars.php, edit-form-comment.php, edit-form at edit-form-advance.php. At ang iba pang files na sa tingin natin na kailangan natin. Pagkatapos, sa pamamagitan ng FTP, i-over write lang po natin yung files ng wordpress natin. Yun po. Tapos na 
PARA SA MGA COMMENTATERS KO:
Pasensya na po kung hindi ako kaagad nakaka-comment sa mga posts nyo. Medyo busy po kasi ako ngayon. Kaya medyo mahuhuli ang pagcomment ko sa inyo. Pasensya na po ulit at maraming salamat sa pagbisita sa aking blog, pagbasa at pagcomment sa aking post/s.
 Maraming salamat po! 
Tags:
native tongue
Ezzy,
irish,
tin,
Miara,
Sherica,
Yanella,
Shai,
irish,
raica,
melle,
EJAY,
timmie,
Gia,
eka,
nika,
anne,
Michelle,
Ayeth,
ivy,
memesh*,
nicole,
ems,
Carla,
Aea,
rocyl,
Tulong po…
Filed under
school-related on
November 4, 2006 with
331 words
TAGALOG POST!
Read at your own RISK!
Matatapos na ang sembreak. Ilang tulog na lang at hello school nanaman ako. Magkahalong tuwa at lungkot. Masaya ako dahil sa pagbalik ko sa eskwela, magkakaroon kami ng celebration dahil champion ang section namin sa nakaraang Enigma (school dance competition).
Magkakaroon kami ng maliit na pagdiriwang. Kakarecieve ko lang ng text kanina galing sa klasmeyt ko. Siyempre pupunta ako! Party eh… kahit mini-party lang.
 Mas gusto ko pa nga yun eh, kasi kami kami lang saka onti lang ang tao. Tapos sa friday, last swimming na namin. Free time lang yun. Sirempre kakanta nanaman ako! (May videoke dun eh
)
Ang ayaw ko lang sa pagbabalik eskwela ko yung hectic schedule nanaman. Grabe! Ang hirap maging graduating student! Napansin ko kasi last qtr na parang yung first 2 weeks lang maluwag yung sched, yung tipong - makakapag relax ka pa, makakanood ng tv ng matagal, makakain sa tamang oras, makakapagpatuyo ng buhok.
Nakakatawa noh? Pati pagpapatuyo ng buhok. Pero sa totoo lang, madalas nakakatulog ako habang nagpapatuyo ng hair. Siguro dahil masyado ko ding kinakarir itong senior life ko. Ewan ko ba. Yan ang mga ayoko eh.
Bukod pa dyan, yung nakalagay dun sa isa kong post. Para kasi ang 3rd qtr parang preparation for goodbye na. Kasi ipit ng bakasyon ang quarter na to. Sabagay yung 4th qtr din naman. Pero ewan ko ba iba kasi pag third.
Kasi ang feeling ko dun, ayaw ko na bumalik sa school. Siguro yun nga talaga ang purpose nun…
Tags:
native tongue
Elie,
-xwee.memesh*,
elaine,
pen,
rina,
timmie,
Lexy,
irish,
nielle,
Ann,
nika,
Mina,
babyjen,
Michelle,
melle,
Ayeth,
Dayan,
Miara,
hershey,
New Home!
Filed under
wordpress on
October 30, 2006 with
167 words
Hello po! Ito na po ang new home ko.
Kahapon pa ako nagsimulang maglipat. Grabe! Ang hirap pala maglipat. Andami ko na rin palang files dun sa isa kong site. Hindi pa to tapos, siguro half way pa lang o wala pa. Yung kabuoang itsura malapit ng matapos, pero yung mga plugins at smilies hindi pa. Sana matapos ko na siya agad.
Hay andami ko pang kailangang ilipat. As in andami pa! Hay naman.. pero ok lang! pangarap ko naman to eh at si ate ems ang naging fairy god mother ko!
Sa mga mahal kong affiliates, pasensya na at maabala ko pa kayo dahil pinapapalitan ko yung link ko sa inyo. Pasensya na po talaga. Pati sa mga online friends ko.. pati kayo maabala.
Sa site na to, hindi na ko sasali sa despair o sa kung ano man. Para free ako kung gusto ko magtagalog o kaya mag-english.
Sige hanggang dito muna. Marami pa akong dapat gawin dito sa site eh. Blog hop ako mamaya =)
Tags:
native tongue
janelle,
Page 1 of 11